isang maliit na kwento
akala ko dati
nagbibiro ka lang
nang sinabi mo sa akin
na minamahal mo ako
pinilit kong man-dedma
at mambale-wala
pero kahit lagi na lang
akong natutunaw sa tingin mo
hindi ako maganda
hindi rin naman ako mahinhin
panay kalokohan lang ang alam ko
bakit ako pa?
pinilit kong ilabas
ang lahat ng pangit sa akin
para iwanan mo ako
pero wa-epek sa yo
sige ka lang
patuloy sa pagpapacute
hanggang sa talagang
wala na akong magawa
ano bang gayuma ang gamit mo?
sino bang albularyo
ang consultant mo?
ang tindi ng hatak mo eh!
mantakin mo, ako
isang feeling tomboy
nahubaran mo ng maskara
nang ganoon na lang?
sa tingin ko
ang galing mo
dahil wala pang nakakalapit
sa akin nang ganito
isa lang ang hiling ko
mula sa iyo
ingatan mo kung ano’ng nasa palad mo
dahil bulnerable yan


















































ellow
grabe naman feelings mo ahaha